Saturday, March 24, 2012

When the yellow blossoms start to fall



People say that the seminary is a place of fright because of its many trees. Ever since its foundation, the seminary has been a tree-sanctuary – especially of those sturdy Narra trees. At first look, these trees only seem to provide enough shade and fresh air for the seminary’s tenants. But upon second reflection, these trees mean more than shade.
The Narra is a significant symbol of success in the seminary. For us, seminarians, the falling of the yellow Narra flowers symbolize the near end of another formation year. With this in mind, we become more sentimental as we also realize that our days with the graduating batches are numbered. As more and more yellow blossoms start to fall, our days spent with them become less and less.

During the month of June – a month which marks the beginning of another formation year – the Narra can be seen as a symbol of hope with its leaves in shimmering green. However, as the months go by, these green leaves turn dry into dull brown. From appearance alone, the Narra, with the shades gone, seems to be dead.  However, for us, seminarians, this is a time of expectations – a waiting for the advent of the recapturing of the beauty of the Narra, a waiting for the yellow blossoms to start to bloom and eventually fall, a waiting for the end of yet another year.


In the month of March, the pathway sheltered by the Narra trees is filled with brilliant yellow flowers. As one walks through the flower-filled path, the incredibly good scent of the flowers never fails to fill one’s olfactory desires.

Whenever I see these tiny flowers, I reminisce the many years that I have spent in the seminary. It feels as if every flower is a symbol of my success in the seminary. Even when every formation year presents a bombardment of schedules, activities, academic and extracurricular requirements, every effort exerted is still worth it. Every seminarian would feel happy and proud after having conquered all the hardships, hurdles and hassles throughout the year.  

These trees have become instruments of God, telling us how great we are and what a great job we have done. These trees are manifestations of God’s promise that He will never abandon us. God tells us that, like those Narra trees, we may, for a time, dry up but, eventually, by His grace, we will all be producing beautiful and fragrant flowers.

Congratulations, graduates!

Tuesday, March 20, 2012

Baclaran


Pundasyon ng pananampalata
Pormasyon ng identidad ng nakataya
Iba’t ibang konstruksyon, tagong depinisyon
 Ng bansang patuloy ang transpormasyon
 
Saklolo... Saklolo... Saklolo
 O Ina ng laging saklolo
Pawiin ang  sakit ng ulo
Na bunga ng problema ko
 
Lipunang matulungin
Ngayon ay nasa bingit ng alanganin
Huwag mong salangin
Baka sa huli ikaw ay paslangin
 
Pagbuo ng buhay
Pagbuo ng bahay
Sa panalangin iuusal
Paulit-ulit na dasal
 
Isang kamulatan
Isang kasalatan
Kahulugan ng tao
Nakataga sa bato
 
Lipunang umiinog
Sa samu’t saring sayaw umiindayog
Pangarap nang pag-ahon sa hirap
Na balang araw ay magiging ganap
 
Tala: Kagaya ng Quiapo, ang Baclaran ay tila isang munting Pilipinas. Para sa ilan, ang komunidad na ito ay sumasalamin sa pundasyon ng paniniwala at pananampalaya, pormasyon ng identidad, ibat ibang konstruksyon ng mula sa buhay hanggang sa bahay, transpormasyon sa nagbabagong mundo ng Pilipino. Sa lugar na ito nagaganap ang negosasyon ng mayaman at mahirap kung paano kikilos sa lipunang naghihikahos, at gagalaw sa lipunang magaslaw. Isang bahagi ng katotohanan at maraming kabalintunaan.

TaHANGALang Pambansa


TaHANGALang Pambansa
ni Joseph G. Navarro

Taong isang libo siyam naraan animnapu’t anim nang ikaw ay simulan
Taong isang libo siyam na raan animnapu’t siyam nang ikaw ay buksan
Ang buong mundo sa kauna-unahang pagkakataon ikaw nasilayan
Nabighani sa iyong taglay mong nakariktan
Tunay ngang biyaya sa sangkatauhan
 
Sa panahon ni Marcos nang ikaw ay ginawa
Sa mga kuwento ni Imelda  sila’y pahanga
Kabi-kabila ang kanyang pagpapasinaya
Habang ang marami ay gutom at nakatunganga
Sa pinunong tila walang hiya.
 
Si Leandro Locsin ang iyong arkitekto
Sa kanyang mga kamay nabuo ang iyong dibuho
Sabi ng ilan ikaw tanda ng pagbabago
Ngunit tila ika’y instrumento  ng pang-aabuso
Ang tunay na kalagayan ng bansa’y tinago
 
 
Katotohanan, kagandahan at kabutihan
Tunay ngang masarap mapakinggan
Na sa sining at kultura ,ikaw ay tahanan
Yaman ng lahi ay napapangalagaan
Isang pangarap na tila baha-bahangdan
 
Apat na dekada na pala ang nakararaan
Ikaw ngayon ay isang malaking pasyalan
Sa mga Pilipino’t dayuha’y dumuduyan
Samu’t saring palabas na matutunghayan
Sa bayang hanggang sa ngayon ay nasa karimlan

Naging inspirasyon ng may akda ng tula ang kanyang pagbisita noong ika-16 ng Hulyo 2011 sa CCP sa opisyal na pagbubukas ng Cinemalaya, isang annual independent film festival sa Pilipinas . 
Ang mga lawaran ay mula sa internet. 

Thursday, March 1, 2012

May KAHULUGAN ka, KABAHAGI ka at may MAGAGAWA ka para sa PAGBABAGO


Sa bawat pangako ay maraming umaasa. Sa bawat pag-asa’y maraming naghihintay. Bawat naghihintay ay nagnanais na makawala sa nararanasang kahirapan. Bawat nagnanasang makawala sa kahirapan ay umaasa sa pangakong binitawan. Ang nakapag-iisip, sa ob­serbasyon ko, napakarami ng nagsilbi sa ating bayan na mataas ang pinag-aralan, subalit ako’y patuloy na nababahala sa ating kinabukasan sapagkat hindi nagkulang sa mga matatalinong mga indibidwal ang naglingkod sa ating bayan.
 
Sa aking palagay ay kulang sa pagmamahal sa ating Bayan ang marami sa mga namuno sa ating bansa. Maaaring mayroon naman ngunit hindi ito ang nasa una, ngunit ang sariling interes bago ang interes ng bayan. Sa ating sitwasyon, mahigit 70 porsyento ng mga halal na opisyal ay hanap-buhay nila ang pulitika. Kung kaya’t ito na rin ang dahilan kung bakit sila ay nakikipagpatayan sa mga laban sa pulitika sapagka’t kabuhayan ang kanilang pinag-aawayan.
 
Walang makapagsasabi ng tiyak na sukatan at pamantanyan ng isang mahusay na pamumuno dahil bawat indibidwal ay may sariling konsepto ukol dito. Sa simpleng pananaw, bahagi na ng ating tradisyunal na sistema ang magkaroon ng isang pinuno. Lahat ng bagay at nilalang na nilikha ay hindi makakatayo ng matuwid kung walang pinunong  tutulong  at aagapay. Aminin man natin o hindi, ito ang realidad ng buhay.
 
Hindi lingid sa ating kaalaman na taglay ng isang tao ang abilidad na mamuno. Walang simuman ang makakapagsabi na pili lamang ang biniyayaan ng ganitong katangian sapagkat bawat isa sa atin ay angkin ang kakayahang ito. Gayunpaman, bibihira lamang ang nakakaunawa sa tunay na kahulugan ng isang responsableng pamumuno. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang ating panahon ay patuloy na ibinabaon sa karukhaan.
 
Ang pamumuno ay hindi lamang kapangyarihan at karangalan, manapa’y isang tungkulin at pananagutan sa bawat taong sakop ng pamamahala ng isang pinuno.Ang isang batayan ng mabuting mamumuno ay ang kanyang marangal na karakter at walang pag-iimbot na serbisyo sa kanyang organisasyon. Sa mata ng mga tagasunod, ang kanyang pamumuno ay ang lahat ng mga bagay na ginawa niya na nagdudulot ng epekto sa mga layunin at ikabubuti ng organisasyon.
 
Isang karangalan para sa akin ang  makasama at maging kabahagi ng Ayala Young Leaders Congress 2012. Sa loob ng apat na araw, masasabi kong ang mga naging karanasan ko sa Congress na ito ay talaga namang naging daan upang mas lalong mahubog ang aking buong pagkatao sa larangan ng paglilingkod. Mapalad ako sapagkat nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala ang iba pang kabataang lider na nagmula sa ibat-ibang sulok ng Pilipinas.Gaya ko, magkakaiba man ang aming mga tinig na binibigkas, napag-uungay naman ito ng iisang hangarin. Isang hangarin na magiging daan tungo sa pagbabago. Isa sa nabago ng Congress na katangian ko ay ang pagiging sensitibo ko, pakiramdam ko kasi dumarating sa puntong nawawalan ako ng silbi kapag nabibigo ako sa aking hangarin, samu’t saring salita ang sa aki’y ibinabato na talaga namang halos mayurak ang aking puso sa subrang sakit, naisip ko nalang na huminto na ako sa paglilingkod. Subalit ng marinig ko  ang karanasan ng isa sa aming panauhing tagapagsalita. Siya’y isang bulag, isang bulag na buong-buo ang loob na harapin ang hamon sa buhay, isang bulag na punong-puno ng pag-asa, isang bulag na may didikasyon upang magpatuloy sa paglilingkod. Bulag man ang kanyang paningin subalit ang kanyang puso’y nagsisilbing instremento niya upang makakita at maging modelo ng isang mabuting lider.  Ang kanyang tinig ang bumasag sa kahinaan ko,naramdaman ko ang alab sa aking puso na magpatuloy sa paglilingkod. Sapagkat ako na biniyayaan ng kumpletong bahagi ng katawan na magagamit ko upang maglingkod ay hindi dapat magpa-apekto sa mga naririnig ko, basta’t alam kong wala akong natatapakang tao, patuloy pa rin ako sa paglilingkod.
 
Bukod sa tinig na bumasag sa aking kahinaan,tatlong salita ang masasabi kong nagbigay inspirasyon sa akin upang magpatuloy sa paglilingkod, ito ay ang una, bilang isang lider may KAHULUGAN ako,ikalawa, KABAHAGI ako at ikatlo may MAGAGAWA ako.
 
May kahulugan ako sapagkat, bilang naging kabahagi ng Ayala Young Leaders ang mga natutunan at mga naging karanasan ko ay kinakailangan kong maibahagi sa aking pinaglilingkuran, sa aking paaralan, sa aking pamayanan at upang makaimpluwensya sa aking kapwa lider. Kabahagi ako ng hangaring magkaroon ng pagbabago hindi para sa akin bagkus para sa bayan ko, at higit sa lahat may magagawa ako para sa pagbabago. Sa pamamagitan ng simpleng paraan, gaya ng sinasabi sa kanta ni G. Noel Cabangon na;
 
Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino
Mga karapatan nila’y kinikilala ko
Iginagalang ko ang aking kapwa tao
Ipinaglalaban ko ang dangal ng bayan ko
Pagka’t akoy isang mabuting Pilipino
 
 Pakiramdam ko matapos ang apat araw na aking karanasan sa Ayala Young Leaders Congress 2012, tila ako’y isang nagbabagang bakal na nakadarang sa apoy, isang bakal na patuloy na hinulma upang maging isang sandata, isang sandata na hindi para sa larangan ng pakikidigma bagkus para maging mas epektibong lider para sa aking pinaglilingkuran. Ang Ayala Young Leaders Congress 2012 ang pumanday sa bubot kong karanasan, hinulma ng bagong dimensyon ng buhay upang patuloy na maglingkod.
 
Ang ating Inang Bayan ay uhaw sa isang pinunong mag-aahon sa kanya mula sa kanyang matagal ng pagkakabaon sa karukhaan. Lagi nating iisipin na  ang pinunong may takot sa Diyos at marunong magpakumbaba at di nag-iisip ng sariling kapakinabangan sa halip ay ang kapakanan ng kanyang nasasakupan, ay isang mahusay na pinuno. Sa kanyang panunungkulan, kakamtin niya ang walang hanggang pagpapala at gabay ng Poong Maykapal. Ang pinuno ay isang lingkod. Upang magpasimuno, kailangan niyang malaman kung paano sumunod. Ang pinuno ay isang katulong, isang tagapagbalita, isang boses para sa marami.
Ilang beses marahil nating itinatanung sa ating sarili kung bakit kailangan magkaroon ng isang pinuno. Kung tutuusin, tayo ay binigyan ng Maykapal ng talino upang makapagdisisyon para sa ating mga sarili. Ngunit sa lohikal na pananaw, ang isang eroplano ay hindi makakarating sa direksyong kanyang pupuntahan kung wala ang piloto.
 
Ilang henerasyon na ring nilamon ng baluktot na sistema ng pamamahala ang ating lipunan. Ngunit hindi pa huli ang lahat. May pag-asa pang natatanaw. Tayo ang butil ng palay na bubuhay sa susunod na henerasyon. Ang pagbabago ay nasa ating palad. Ngayong narito ka, may bagong pag-asa, maraming natutunan at ganap na naunawaan. Ano ngayon ang iyong gagawin?
 
May oras pa ngayon. May KAHULUGAN ka, KABAHAGI ka at may MAGAGAWA ka para sa PAGBABAGO. Mabuhay SALIMBAY!!!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...