Kung pag babasihan mo ang pamagat ng likhang-sining na ito, malamang ay mai-tutuhog mo sa mundo ng mahika ang gusto kong ipahayag sa mga susunod pang pangungusap at talata. Ngunit, HINDI! hahaha naikonekta ko si Harry Potter sa AYLC dahil gusto kong palalimin ang "Sorting Ceremony" ng programa kaiba sa ating nakasanayan na houses sa libro't pelikula.
Tanong: Who are you?
Sagot: I am an Ayala Young Leader!
Alam kong naalala mo pa kung paano tumindig ang balahibo mo ng ikaw ay tanungin habang napapaikutan ng animo'y mga sundalong panatiko na handa kang ipagsanggalang sa oras ng kagipitan. Sy*t! ASTIG ako! I'm invincible eka nga ng karamihan! ngunit kagaya nga ng aking mga naunang komento at pakikipag tunggalian ng opinyon at talastasan ng mga balangkas ng ideya - Hindi kailanman kasiguraduhan ang pagsusuot ng JACKET para lamang maipag sigawan mo na isa akong LIDER LINGKOD! Gaya na lamang din ng nasasaad na hindi porke't naka suot ka ng kapa at may hawak na makapangyarihang patpat ay isa ka ng WIZARD.
Kagaya sa serye ng Harry Potter, ang bawat pagtatapos ay pagsisimula. Ang bawat taon na itinatagal ng programang AYLC ay panibagong hakbang tungo sa pag-unlad na ating hangad. Panibagong hakbang na susubok sa mga kakayahang ating ipinagyabang pagdaka'y ipinamalas sa karamihan para maging karapat dapat tayo sa karangalang ibinibigay lamang sa piling iilan.
Bawat Patronus daw ay walang kaparis sa mundo ng mahika. Kagaya na lamang ng bawat Ayala Young Leader na ang angking kakayahang ay naiiba sa karamihan at lalo't higit katangi-tangi sa kanyang pagkakakilanlan.
Tanong: Saan ka liligaya? Saan mabibigo? Saan ka tutungo?
Sagot: Sa Hogwarts!
Alam nating lahat ang pinag daanan ni Harry Potter bago siya makatungtong sa pamosong paaralan ng Hogwarts. Naryang hindi sa kanya ipabasa ang sarili niyang sulat, ikinulong siya sa cupboard at hindi pinayagang lumabas at hanggang umabot na nga ito sa pag lalayo sa kanya ng kanyang mga kamag-anak para lamang hindi siya maka tupad at hindi niya magampanan ang kanyang tadhana...
Bilang Ayala Young Leader maraming sagabal sa ating pagpasok sa masalimuot, magulo, mahirap, mapanubok at higit sa lahat mapanuring mundo ng Nation Building. Pili't tayong inilalayo ng ating hangaring umasenso sa buhay, sabi nga ng mga ilan kong kakilala "Hindi ka yayaman sa development work, mag corporate ka kaya!". Subali't naiintindihan ko din ang kanilang punto kagaya ng pagkaka unawa ko sa mga kumukupkop kay Harry Potter. Takot lamang silang makita natin ang ating Life's purpose dahil sila man ay nakakulong sa pagpigil sa ambisyon at kaligayahan ng iba.
Tumungo na tayo sa buod ng aking sanaysay.
Tayong lahat ay pinagkalooban ng kalayaan para sa ating mga desisyon. Desisyon na kung sa paanong sayaw ng hangin magiging matatag ang ating hinaharap.
pasukan natin ng medyo klasikong komentaryo mula kay Anthony Lenard ng Australian Catholic University. Sa kanyang saliksik na pinamagatang:
How the boy wizard can assist young people in making choices
Maari na nating masalamin ang tuwid na pagkakahulugan sa atin ng salitang Pagpili at Pinili.
Sa kabila ng mataas na pagtingin sa atin nga mga paaralan, mga guro't manggagawa sa pagpapaunlad ng mga mag aaral at higit sa lahat sa ating mga kapwa estudyante...
Nasa atin pa din ang kapangyarihan kung paano tayong Pipili sa kabila ng tayo na ang Pinili.
‘I know how you’re feeling Harry,’ said Dumbledore very quietly.
‘No you don’t,’ said Harry, and his voice was suddenly loud and strong;
Bilang mga Lider Lingkod Mag-Aaral, alam nating pumili sa mga pagkakataong hindi tayo binibigyan ng kalayaang sabihin ang totoo nating nararamdaman. Maging ugat sana ang pagbadya ng ating kaliwanagan sa isyu ng kung paano mabalaghan ang iniikutang mundo ni Harry ay siya ding katulad kung paano tayo gumalaw sa pang araw-araw nating pagharap sa mga sitwasyong nakakagayuma ng isip na pilit tayong ililigaw kung saan dapat tayo patungo.
Alam kong hindi sila nagkamali, sigurado akong may gagampanan tayong mahalaga sa hinaharap. Maging bida man yan o kagaya ni Ron na palaging back-up lang o ni Hermione kaya na ginagamit lang pag kailangan...Sa kung paanong paraan tayo tutupad sa ating tadhana bilang mga bagong lider ng henerasyon - ang pangarap ko nalamang ay malagpasan natin ang mga pagsubok na ilalatag ng ating kanya-kanyang Voldemort!
Pero sigurado ako, after all...masasabi ko na I am the BOY who lived.



I Like the whole article :) Padayon!
ReplyDelete