Sa totoo lang, pagkatapos ng madramang seremonya sa helipad ng training center sa Alfonso, Cavite,maraming tumakbo sa aking pahat at payak na isipan. Pakiramdam ko,nadagdagan ang kapangyarigan ko,kaya sa oras mismong iyon ay nagdesisyong akong lumahok sa aming student council elections,sa di-inaasahang pagyayari natalo ako.Ipokrito ako kung sasabihin ko na sa mga oras na iyon na ok lang ako, kasi nga pakiramdam ko, ako na ang karapat dapat.Daig ko pa ang hunyango at balimbing, sabi ko sarili ko, kung hindi ako puede sa student council eh di sa student publication, anupat naging estudyante ako ng komunikasyon.Sa sorbang pagiging mahiyain ko, pati quiz bee tungkol sa kooperatiba sa Pilipinas ay sinalihan ko.Pagkatapos sa kolehiyo, inasam ko agad na makatungtong muli sa mabangis na lungsod,ang Imperial Manila sabi ng isa kong kaibigan at batchmate sa isang leadership program. Pero sa pagkakatong ito,hindi na ako turista kundi isang simpleng empleyado sa isang corporate foundation. Makalipas ang halos dalawang taon pagtratrabaho, bumalik ako sa bilang estudyante, at kasalukuyang nagpapakadalubhasa sa mga araling pang midya na may layuning makapaghanap ng opportunidad upang maging guro sa hinaharap. Gusto ko kasing sulitin ang tuition ng mga estudyante, lalo na ang mga nag-aaral sa pribadong kolehiyo at unibersidad. Aaminin ko, ang pangunahing dahilan ko noon sa pag-aaral ng midya ay ang makita sa telebisyon at mapakinggan sa radyo, magsulat ng ibat ibang storya at artikulo sa dyaryo.
Anim na taon na akong nag-aaral sa mundo ng komunikasyon at midya,at ngayon ko pa lang unti-unti nakikita ang aking sarili, tungkulin at responsibilidad na dapat kong gampanan sa propesyong aking pinili sa sangangdaan ng buhay.Sa edad na kong bente kuwatro, aminado ako na mahirap paring sagutin ang tanong at hamon ng isang nilalang na medyo may katandaan na ngunit naglilingkod parin.Mahirap nang pangalanan ang taong ito,basta ang sabi niya, “Kailan ka pa natutong tumanggi, kapag ikaw ay nanyayahang maglingkod?”. Pag busy? di ka naman siguro telepono, ang tanong at hamong ito ay parang math , mahirap na nga, kailangan ko parin unawain o history, nakaraan na nga ,paulit ulit ko paring binabalikan. Siya nga pala, hindi bawal ang di pag-sang-ayon sa nilalaman ng artikulong ito, tutal pansamantala lang naman ang lahat sa mundo, at maaaring ang lahat ng ito ay bahagi lamang ng malikot na guni-guni at imahinasyon ng tao at produkto ng maraming negosasyon. Yun lang, maraming salamat sa inyong oras at sa tunggaliang maaaring naidulot nito sa intelektwal na espasyo ng inyong pagkatao.
Ang may akda ng artikulong ito ay isang iskolar ng midya sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Siya ay bahagi ng Ayala Young Leaders 2007.

No comments:
Post a Comment