Wednesday, February 22, 2012

kumu'KULO'ng Sining


Lahat ay nagulat sa balitang totoo 
sa radyo, telebisyon at peryodiko
ito'y makikita mo
dugo ng mga Obispo
ay pinaKULO nito.

Ang sabi ng ilan
"Sining po lamang"
sa karamihan naman ay kabastusan
ang ibang sosyal may banat din naman
Blasphemy pa daw ang dapat ingalan.


Oh, Mideo sana ikaw ay maliwanagan
sa pagbibigay ibang kahulugan 
sa mga nakagisnan nating mga larawan
ng ang mga nasa pulpito ay magalak 
sa ating tanan.

Ako nama'y walang napunang mali
o sadya lamang talagang artistiko akong mag - isip
ang iba naman ay kay kitid ng isip
bato bato sa langit tamaan silang malilinis

Bilib naman ako sa mga Pilipino
pag ba gawang Noypi ay bastos?
hindi porke't tayo'y bansang kristyano
wala ng puwang ang malayang sining 
kagaya ng mga pinaKULO ni Mideo.

Ang banat ko lang naman ay ganito
maintindihan sana natin ang kapwa tao
wala naman talagang bastos 
sapagkat lahat ay likha ng Diyos

Nakadepende na lamang ito
sa mga taong labis ang reaksyon
wala namang laman at sustansya
ang mga puna at batikos.


Kaya para sa inyo...
magpaKULO na lamang tayo
ng mainom na ang Kapeng Barako.

Bilang pag alala sa nakalipas na pitong (7) buwan ng masalimuot na 
pagluluksa ng malayang sining.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...