Isang daan at limampung taon na ang nakararaan
Isang bayani ang sa mundo ay nagdaan
At hinangad ang higit na ikabubuti ng bayan
Sa pagsaksakripisyo at pag-aalay ng sarili siyay lumisan
Baon ang inasaasm na kasarinlan sa kanyang libingan
Isang hudyat ng rebolusyon ang kanyng pagkamatay
Upang ang mga puso’t isip ay gumising sa pagkakangalay
Sa mahigit tatlong daang taon pagduduyan at pagsalabay
Sa imperyo ng dayuhang kunwari’y gumabay at umakay
Noon pala’y lihim na kaaway at nagpasasang tunay
Ang sabi ng bayani, kabataan ang pag-asa ng bayan
Ngunit hanggang sa ngayon ito’y isang ilusyon at imahinasyon
Marami ang isyu at problemang walang solusyon
Realidad ng buhay ay unti-unting binaon
Sa karagatan ng umano’y kaunlaran ay nagpati-anod sa alon
Marami sa atin ang tila nakalimot na
Sa mga pagsasakit ng mga bayaning tulad niya
Ang akala ko’y sa pagtanda nang dating mga bata
Bayan ay uusbong at mamumunga ng marami
Aani ng mga bayani at silang mamamayani
Kung babalik-bayan ngayon si Rizal
Ano kaya ang kanyang iuusal
Sa bayang hanggang sa ngayon ay nasa sukal
Patuloy ang pagpupumiglas sa tanikalang sumasakal
Na siyang umangkin sa kang puri at dangal
Naging inspirasyon ng may akda ng tula ang kanyang pagbisita noong ika-2 ng Hulyo 2011 sa isang exbihit na may pamagat na “Balik sa Bayan Box:Travels of Rizal” ng Team Manila sa Ayala Museum.Ang naturang exhibit ay itatanghal mula ika-25 ng Hunyo hangang ika-20 ng Hulyo 2011.
No comments:
Post a Comment